HINUBAD na lang ni Adrian Damian, ang suot na jacket. Itinali sa baywang nito upang kahit paano matakpan ang malaking bukol niya. Wala siyang maidadahilan sa dalaga lalo at naroon na sila sa shop. Malapit lang ang pwesto sa elevator kaya agad nakapasok sila sa loob. “Alin sa mga ito ang ginagamit mo?” Tanong ni Matiz sa binata. Kahit ang totoo naroon ang isipan ay sa umbok nito. Para tuloy nais ni Matiz, mag back out na lang at sa massage spa siya pumunta. Pag ganito ang sitwasyon nila baka hindi lang yon ang mangyayari sa kanila. Lalo pa at ang katawan niya ay nag rereact din agad. At hanggang maari ayaw niyang magkaroon sila ni intimate ni Adrian Damian. “Here, try mo itong amuyin mabango ito sa katawan.” wika ni Adrian Damin. “Okay,” at inabot niya sa kamay ng binata ang oil massage.