AGAD nag-alala si Mariz, lalo nang makitang sapo ni Adrian Damian ang gilid nito. Pagsulyap niya sa ‘di kalayuan hindi nakaligtas sa mga mata niya ang ngiti ni Ricky. Inikot niya ang paningin sa paligid sabay pitik ng daliri. At pagkatapos ay muling humarap kay Adrian Damian. “Dalhin mo sa clinic ang boylet mo, meron siyang sugat.” Bulong ng client niya. “Mag usap na lang tayo sa online.” “Okay, pasensya na.” “Wala yon, go!” “Niyakap ni Mariz ang katawan ng binata. At nakapa niya sa ilalim ng jacket nito ang malagkit na likido. “Kaya mo ba lumakad?” “Oo, balewala ‘to, halika na at baka may mga kasama pa ang lalaking yon.” Hindi na lang sumagot si Mariz, pero sa loob niya ay galaiti sa galit. Hindi niya palalampasin ang ginawang ito ni Ricky. Pagdating nila sa exit apat na lalaki a