SA tuwing nasa therapy si Maurice, ang asawa ay laging nakaalalay sa kaniya. Hindi ito umaalis hanggang hindi tapos ang isang session. Pagkatapos ay bubuhatin siya nito at dadalhin sa higaan. Ang puso niya ay kumikirot sa tuwina nakatingin siya sa asawa. “Anong gusto mong kainin, mahal ko?” malambing na tanong ni Jacob. “Mamaya na lang gusto ko lang nakahiga. Doon ka na muna sa baba at narinig ko kanina ay tinatawag ka ni Kuya ML.” “Nakausap ko na siya at sinabi kong bababa lang ako kapag nakapag pahinga ka na.” “Pwede mo naman na akong iwanan dito. Ayos lang ako, asawa ko. Hindi ka dapat nag-alala sa akin. Dahil ganito naman daw talaga pagkatapos ng isang session.” “Yeah, pero gusto ko naririto ako sa tabi mo.” nginitian ni Jacob ang asawa. Kahit sabihin ng asawa na hindi niya dapat