GABI na kaya sa Mansion Ortega, sila pinatulog ni Chairman ML, at hanggang sa mga oras na yon at gising pa rin si Venush. Ang ama ay nasa katapat lang ng silid na tinuluyan niya. Nakarinig siya ng katok mula sa pintuan. Sinulyapan niya ang orasan at alas-dos pa lang ng madaling araw. Sino naman kaya ang kakatok sa ganitong oras nais niyang ignorahin iyon pero ng maalala ang ama. Agad na bumangon at binuksan ang pinto. Ngunit nagulat siya ng biglang pumasok si Chairman ML. “C-Chairman ML, bakit po…” sumara ang bibig niya ng siilin siya nito ng halik. Kaya napaatras siya at tuluyan ng sumara ang pinto. Sinikap na kumawala dito sa mabilis na pag atras ngunit namalayan na kang niyang dead end na wala ng naatrasan pa. At bumagsak sila sa ibabaw ng kama kaya nagka hiwalay ang labi nila. An