ISANG oras na yata ang nakalipas pero hindi pa ron magawang magsalita ni Mariz. Nakatitig lang siya sa kaniyang cell phone. Si Adrian Damian, inip na inip ang pakiramdam. Hindi dahil nasa sayang ang oras niya at may duty pa siya mamayang gabi. Ilang oras pa lamang ang tulog niya. At kapag hindi pa siya umuna na magsalita. Baka kahit hanggang mamaya ay manatili sila sa upuan. “Ahm… M-Mariz, kanina pa tayo dito. Huwag ka sanang magagalit o magtatampo pero may duty pa ako mamayang gabi. Dalawang oras pa lamang ang tulog ko.” mahinahong pahayag ni Adrian Damian. “Mag leave ka sa trabaho mo!” Hindi napigilan ang salitang lumabas sa bibig ni Mariz. Kahit siya ay nagulat din sa naging sagot niya sa binata. Kitang kita niya kung paano nagka salubong ang makapal nitong kilay. “I’m sorry, ahm… hi