ANG buong akala ng dalawang lalaking umutake sa kaniya. Hahayaan niya na maulit ang nangyari noon. Sa halip hindi nagamit ng mga ito ang dala na tubo. Hindi na siya pumayag na muling maisahan ng mga ito. Iniwan niya ang dalawa na nakahandusay sa semento. Pinasibad ang ang motor palayo uuwi na lang muna siya ng mansyon. Saka niya balikan si Danah Domingo. Pagdating ng mansyon ay agad na umakyat siya sa kwarto dahil meron pang tilamsik ng mga dugo ang suot niya. Nagmamadaling binaba ang cellphone sa ibabaw ng table at pumasok sa loob ng banyo. Agad na tumapat sa shower at sinabon ng paulit-ulit ang buong katawan. Lalo na ang buhok niya ilang beses na nilagyan ng shampoo. Pakiramdam niya naroon pa ang dugo ng mga kriminal. Hindi inaasahan ni Venush, makikita ang asawa sa silid. Nang makala