ONE MONTH LATER. Fully recovered na si Adrian Damian. Ngayon ay patungo sila sa opisina ng sikat na pintor upang linawin ang pinagkakalat nitong balita. Hindi ito mapapalampas ni Mariz. Obvious ang ginawang kasinungalingan. Pinapaniwala din si Adrian Damian, na ibang lahi dahil ibang lenggwahe ang ginamit. Samantalang pure Filipina ang gaga. “Busy po si Madam Mitch, kailangan nyo muna ng schedule para sa appointment. Kung nais nyong makausap siya.” “No need, pakibigay mo ito sa kaniya. Pera yan na nilagay niya sa paper bag ng isang tulog na lalaki. Tapos basta niya iginuhit ng walang permission. At saka siya gagawa ng kasinungalingan. Nang hindi niya napapayag maging modelo niya. Pagkatapos pinalabas na tumanggap ng bayad at basta siya tinakbuhan.” “Kung wala na kayong sasabihin ay