INIWAN muna ni Mariz, si Adrian Damian at mama nito sa kaniyang penthouse. Pumunta siya sa mansion Ortega, magpapaalam na siya kay Maurice. Ganun din sa panganay nilang si ML, at si Marielle, tatanungin niya kung sasabay sa kaniya pabalik ng Paris. Una niyang pinuntahan ang silid ng mag-asawang ML at Venush. Hindi rin naman siya nagtagal doon. Matapos ang konting kwentuhan ay sinabi niyang mamayang gabi na ang flight niya. “Mag-ingat ka tumawag ka lang kung sakaling may problema ka.” ani pa ng kapatid na panganay. “Salamat , Kuya ML, sayo din hipag.” “You’re welcome.” Matapos niyang yumakap sa hipag at humalik sa pisngi ng kapatid na panganay ay lumabas na siya. Natungo siya sa kwarto ng mag-asawang Maurice at Jacob. “Nasaan ang asawa mo?” tanong niya kay Maurice?” “Pumunta sa kapa