MABILIS na bumangon si Cariza, nang maulinigan ang ingay na nagmumula sa labas. Nagmamadali siyang nagbihis pagkatapos ay tumakbo palabas. Nakita niya sa pintuan kung paano bumagsak sa carpet ang stepdad niya. At agad siyang napaiyak ng makitang sinugod pa itong muli ni Mr. Ruins. Tinalon niya ito at sinikap na protektahan. Samantala muntik ng tamaan ng suntok ang likuran ni Cariza. Mabuti na lang at agad nahila ni Mr. Wyatt, si Ruins. “Please, h-huwag nyo po saktan ang Daddy Luther ko.” nanginginig sa takot ang katawan ni Cariza. Hilam sa luha ang mga mata niya lalo pa at dumudugo ang gilid ng labi ng stepdad niya. Agad namang niyakap ni Luther ang dalaga. “Baby, please calm down, ayos lang ako hindi naman masakit ang suntok.” “Pero dumudugo po ang labi mo, saka ‘di ba kaibigan mo s