HINDI pa man lang nagsasalita si Maurice ay inunahan na siya ang ama. Kaya ang mga nais sabihin ay nalunok na lang niya. Sinara ang bibig at nagyuko ng ulo. Hinayaan magpatuloy sa pagsasalita ang ama at ina. “Anong gusto mong sabihin ko sayo, Maurice? Na sana hindi na lang bumalik ang memory mo nang mapanatiling maayos ang pagsasama ninyong dalawa ni Jacob?” “H-Hindi naman po sa ganun, Daddy Marc Keith. Pero alam naman nating lahat na kahit minsan hindi niya ako minahal. Kahit konting respeto nga wala akong natanggap mula sa lalaking yon. Kaya napa unfair naman na ako ang iyong anak pero nasa kaniya ang sympathy ninyong lahat?” “Hindi yon ganun, Maurice. Kung lalawakan mo lang sana ang iyong pang-unawa. Maintindihan mo na ang tao nagkakamali din. At bago kayo ikinasal ni Jacob. Nakita