INVESTIGATION’S RESULT. “Señorita Mariz, naririto po ang resulta ng imbestigasyon. May kasama din ako na siyang saksi sa nangyari noon.” “Pumasok kayo at maupo, nais kong marinig ang totoong nangyari. But make sure na walang kasinungalingan.” may halong pagbabanta na pahayag ni Mariz. “Magsasabi po ako ng totoo, Ma’am Ortega.” “Okay go ahead, ang nais ko ay ikwento mo ng maayos at makikinig ako.” “Sige po.” at nagsimulang mag kwento ang may edad na babae, Twenty-three years ago. Mansion Monasterio. “Wala kang lugar sa mansyon na ito, dalhin mo ang anak mong bastardo, layas!” “Mama, maawa ka sa anak ko, hindi ko siya kayang buhayin mag-isa.” “Huwag mo akong matawag twag na mama dahil hindi kita anak! Kailanman hindi kita magagawang tanggapin bilang kapamilya!” “Pero bago namatay