HINDI na niya pinatagal ang kalokohan ni Ms. Fendi at ama nito. Pagdating niya Maurice, sa Pilipinas diretso agad sa kinaroroonan ng hostage. Naabutan niya doon ang mga tauhan ng kapatid na panganay. Agad siyang nag-utos na kuhaan ng video ang gagawin sa bihag. Pero syempre mukha lang nito ang dapat na makikita sa camera. At hindi kasali ang mukha ng mga taong nagpahirap dito. Tumalikod siya at nagtungo sa labas ng pinto. Hindi pa rin niya kayang makita ang gagawin ng mga tauhan. Ilang minuto siyang naghintay bago muling pumasok sa loob. Nakita niyang walang malay ang babae. “Nasaan ang video patingin ako.” agad inabot sa kamay niya ang cellphone na ginamit. Pinanood niya iyon at saka tumango-tango. “Perfect ang pagkakagawa.” ipadala nyo na sa email ni Ms. Fendi. Nasaan pala ang inject