ANG lahat ay na-shock sa sinabi ng kapatid na si ML. Nakaramdam ng awa si Mariz, sa kapatid na si Marielle. Kahit minsan hindi nila inaasahan na ipagkakasundo ng ama ang isa sa kanilang magkakapatid. Dahil doon ay agad na lumipad si Marielle, pabalik ng France. Umiiyak din ito nang magpaalam sa kanila. “Akala ko ba hindi nakikialam ang parents nyo sa pagpili ng lalaking magiging asawa?” hindi napigilan tanong ni Adrian Damian. “Hindi ko rin alam, kaya nga nakakabigla ang sinabing yon ni Kuya ML. “Paano yan? Parang nakakaawa ang kapatid mo, yung reaksyon niya biglang umiyak eh.” “Susubukan kong kausapin si Daddy Marc Keith, bakit niya yon ginawa. Aalamin ko ano ang dahilan niya kung bakit ipinagkasundo niya si Marielle.” “Sino ba sa mga San Diego, ang nakatakdang pakasalan ni Mariel