TINAWAGAN ni ML, si Ajay. Pinapunta niya ito sa opisina. Para tanungin kung namumukhaan nito ang lalaki sa s*x video. Dumating naman agad ito sa opisina. “Kailan pa ito dumating sa inyo?” “Kanina lang, ngayon ang tanong ko sayo nakikilala mo ba ang lalaking nariyan sa video?” “Pakiulitin mo nga sir Jacob, yung part na kitang kita ang mukha ng lalaki.” “Okay.” Hindi naman inaalis ni Ajay ang mga mata sa screen. “Siya yung lalaking namataan ko na umaaligid sa bahay namin. At sa palagay ko fake ang video na yan… ibig kong sabihin ay edited yan.” “Paano mo nalaman na edited ang video?” tanong ni ML kay Ajay. “Ang petsa at buwan na nakalagay sa doon sa nahagip na calendar. Nang mga panahon na yon nasa bahay si Ms. Mariz, lagi nga siyang tulog. Kaya paano nagkaroon ng ganyang video?” “Ta