HINDI na lihim kay Wyatt, ang ginawang pagpapakasal nila ni Cariza. Sa oras ng ceremony ay bigla itong lumitaw sa korte habang kinakasal sila ni Cariza. Ang tumayong witness nila ay ang ama at stepmom ng mga bastardo, si Tito JB at Tita Cleo. Isa pang witness sa kasal nila ay ang mag-asawang Matthew and Isabel Mondragon. Karamihan ay pamilya Montemayor ang mga naroroon. Mabilis lang ang ceremony, pagkatapos ng ilang mga mensahe mula sa judge. Pirmahan ng ninong at ninang at agad ipinahayag ang pagiging mag-asawa nila. Palabas na sila ng korte ng salubungin sila ng galit na si Ruins at kapatid nitong si Marshal ll. Kung wala ang mga bastardo malamang nasuntok siya ng mga pinsan ni Cariza. “Hindi ka tumupad sa usapan natin, D’ Marcus!” galit na galit si Ruins. At siguro kung hindi na lang