"Master Vladimir, puwedeng 'wag ka munang umalis?" pakiusap ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa na nakaupo sa malambot na sofa. Hinayaan kami ng mga kasama ko na mag-usap, ngunit ang hindi nila alam kanina pa kami naghahalikan dalawa. Tumawa si Master. "Bakit parang ayaw mo na akong pauwiin?" "Gusto pa kitang makasama kahit isang oras na lang." Bumuntong-hininga siya. "Okay, hindi naman kita matitiis." "Salamat, Master, paano na kapag lumabas ang anak natin?" "Syempre magiging kamukha ko. Alangan naman kamukha ni Joseph." "Sabagay, picture mo ang lagi kong gustong makita. Pero gusto ko sana 'yung talino sa akin niya manahin." Tumawa si Master Vladimir. "Huwag na sa akin na lang lahat. Magiging kawawa ang anak natin kapag sa 'yo nagmana." Sumimangot ako. "Grabe ang sama mo n

