“Jade! Buksan mo ang pinto!" naririnig kong sigaw ni Chiena habang kinakatok niya ang pinto ng kuwarto ko. Magdamag akong umiyak dahil sa nangyari sa wedding proposal ni Caleb sa akin. Hindi ko matanggap ang nalaman ko na magkapatid kami ni Caleb. Sobrang sakit na parang gusto mo na lang mamatay para matakasan ang katotohanan. Hindi ako bumangon para buksan ang pinto kaya huminto na rin si Chiena sa pagkatok sa pinto. "C-Caleb.. " Muli na namang tumulo ang luha ko. Sa tuwing iniisip ko ang nangyari sa amin dalawa para akong mamatay. Pagkalipas ng dalawang minuto ay bumukas ang pinto at pumasok si Chiena. "Jade, 'wag kang magkulong dito sa kuwarto," wika ni Chiena. "Chiena.. ayoko ng mabuhay." "Jade, alalahanin mo, kailangan ka ng pamilya mo at ng mga pasyente mo." "Bakit hinayaa

