"RHI! Congrats!" bati sa akin ng OB gyne na nag-ultrasound sa akin. Nagpa-check up ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho para hindi na ako lumayo at para lagi akong nakikita ng OB gyne ko. "Thank you, Doktora." "Ang swerte mo naman mayaman ang mapapangasawa mo." Tipid akong ngumiti. Lahat ng mga taong nakakaalam na ikakasal ako ay sinasabi na swerte ako, dahil guwapo at mayaman ang magiging asawa ko. Hindi nila alam, iniiyakan ko ang bawat araw na lumilipas. Ibig sabihin lang no'n ay malapit na ang kasal namin ni Joseph. Tuloy na tuloy ang kasal namin may petsa at araw na rin. Nang makuha namin ang requirements namin ay wala na akong inasikaso dahil si Joseph na ang kumilos lahat. Maging ang mga wedding invitation, venue at simbahan ay si Joseph ang gumawa. Wala akong naging ambag s

