C-5: Check Up

1411 Words
Mas maagang nagising si Harmie sa araw na iyon at may therapy session siya at check up. Dati buwan-buwan ang kanyang therapy session at check ups pero mas malala noong bagong labas siya ng hospital. Weekly ang kanyang mga check ups at therapy sessions dumating pa 'yong puntong naging buto't balat na lamang siya. Kaya ganoon na lamang ang saya ng mga magulang ng dalaga nang unti-unti na itong maka-recover. "You're so very early today," mahinang saad ni Luther nang mapagbuksan niya ang dalaga. "Sorry Senyorito may therapy session kasi ako ngayon at check up sa Doktor ko." Sagot naman ni Harmie sabay lapag sa tray na hawak nito. Mabilis niyang iniabot kay Luther ang mga gamot at inumin nitong tubig plus ang mahiwaga niyang panghimagas. "Anong oras ba?" tanong naman ni Luther habang nginunguya ang kanyang panghimagas. "Maaga po kailangan ko kasing pumila iyong breakfast niyo po nagawa ko na iinitin na lang. Ibinilin ko na rin kay Aling Digna ang inyong lunch baka kasi hapon na po ako makabalik." Paliwanag naman ng dalaga. "Ganoon katagal ang lakad mo?" "Oo naman Senyorito public po iyon na hospital hindi private. Kailangan mong magtiis sa haba ng pila kung gusto mong makita ang iyong Doktor." Saad ng dalaga. Napatango-tango naman si Luther naisip nito kawawa talaga ang mga taong nagpapa-check up sa public hospital. Siksikan at mahabang pasensya ang taglay mo para malaman ang iyong sakit o kaya para malunasan. Mayroon pa ngang namatay na lang dahil sa haba ng pila o kaya namatay na lang kasi wala pang Doktor kahit naka-admit na. "May dalawang hospital na pagmamay-ari namin sa pagkakaalam ko dito sa San Fabian," naalalang turan ni Luther. Ngumiti naman si Harmie na tumingin kay Luther. "Tama ka Senyorito at iyon ay public hospital po." Anito. Napakurap-kurap naman si Luther hindi niya iyon inaasahan. "Wala bang private?" "Mayroon po pero mas malayo siya kaysa sa public hospital." Muling tumango -tango si Luther. "Hindi ka ba pinapapunta nina Mommy at Daddy sa private para priority ka nila?" Muling tanong mg binata. "Senyorito, doon po ako na-hospital ng ilang buwan. At ayoko na pong dagdagan pa ang malaking nagastos nila sa akin sa pag-aaral pa lang po paldo-paldo na ako. Saka, malapit lang din ang public hospital niyo pila lang ang mahaba okay na sa akin." Muling paliwanag ni Harmie. "Ganoon ba? Sige, ingat ka!" Sabi na lamang ng binata at talagang hangang-hanga na siya kay Harmie. Ngayon lang siya nakakilala ng babaeng ang babaw ng kaligayahan nito at kuntento na sa kung anong mayroon. Naisip ni Luther mapalad ang magiging asawa ni Harmie lalo na kung tuluyan na itong gumaling sa sakit niya. "Sige Senyorito!" Paalam naman na ni Harmie at tuloy-tuloy na itong lumabas. Napabuntong-hininga naman si Luther at muli itong nahiga. Bigkang tumunog ang selpon nito na nasa ibabaw ng bed side table. Bantulot niya iyong inabot at tiningnan kung sino ang tumatawag. "Maja napatawag ka," aniya. Tumawa naman ang babaeng nasa kabilang linya. "Of course! Bawal bang kumustahin ko ang aking boyfie?" Anito. "Of course not but it's too early!" "I just want to get permission from you anyway!" Malambing na wika ni Maja. Hindi agad nakaimik si Luther. Alam niyang social climber si Maja mahilig sa out of town, parties at clubs. Na mahigpit niyang ipinagbawal noong naging sila pero hindi ito tumigil nabawasan lamang. "Where are you going then?" Tanong ni Luther kinalaunan. "Sa beach lang naman overnight kami ng two days. It's so boring kasi wala ka dito, kailan ka ba babalik?" Sagot at paliwanag ng dalaga. "Two days? That's too much honey! At hindi ko pa alam kung hanggang kailan ako dito," sabi naman ni Luther. "Ahhhh, Luther honey!" Reklamo ni Maja. "Alam mong madali lang akong ma-bored how am I supposed to do hmmm?" Ungot pa ni Maja. Bumuntonghininga naman si Luther. "Okay then update mo ako every single day okay? Maybe you can come here and then sabay na tayong babalik diyan." Anito. "Really?! Okay, pagkatapos ng outing darating ako diyan honey I miss you na talaga!' horny na ang boses ni Maja. Natawa naman si Luther. "Maja, alam ko ang iniisip mo pero hindi pa puwede sabi ng Doktor." "Ako naman ang gagawa titihaya ka lang," giit naman ni Maja. Mas lalong natawa si Luther sa sinabi ni Maja. Alam niyang halimaw sa kama ang kanyang nobya mas maalam pa ito pagdating sa pagniniig ng dalawang tao. Para kay Luther ay very satisfying sa kanya ang pagiging mainit ni Maja sa kama nakakabaliw at the same time nakakahawa ang kalibugan ng dalaga. "Bahala ka honey! Basta pagkatapos ng outing sumunod ka na dito kung nabo-bored ka na diyan sa condo natin." Nakangiting wika ni Luther. "Of course, I will honey! I got to go I miss you bye!" Turan naman ni Maja saka ito nagpatunog ng isang halik at nawala na ito sa linya. Napapailing na lamang na napapatawa si Luther sa kalibugan ng isipan ni Maja. Yes, live in na sila at kasal na lang ang kulang dangan lamang at marami pang dapat ayusib ni Luther sa kanilang mga kumpanya. Biglang nawala ang init na narararamdaman ni Luther dahil sa ka-horny han kanina ni Maja nang maalala niya ang huling sinabi ng kanyang Doktor. Napabuntong-hininga ang binata at tuluyan na itong bumangon saka nagpasya ng maligo at maglakad -lakad muli sa malawak na bakuran ng Mansyon. "Kumusta na ang pakiramdam mo Harmonica?" Magiliw na tanong ni Dok Paul sa dalaga pagkatapos nitong suriin. "Wala naman po akong ibang nararamdaman Dok!" Masayang sagot ni Harmie. Tumango-tango naman si Dok Paul at may isinulat ito sa papel. "Ang puso mo kumusta? Umiibig ka na ba?" Tanong pa ng Doktor. "Matagal na po akong umiibig Dok," "Siyanga ba? Sino siya?" curious na tanong ni Dok Paul. Tumawa naman si Harmie. "Hindi po ba pag-ibig ang tawag sa pagsunod sa mga magulang? Iyon pong inaalagaan mo ang iyong mga pananim o kaya trabaho?" Anito. Napangiti naman si Dok Paul. "Bukod doon wala ka ng iniibig na iba? Like, a man na nagpapatibok sa puso mo." Nanlaki naman ang mga mata ni Harmie. "Naku, Dok kapag ba walang lalaki hindi na titibok itong aking puso? Ano na po ang mangyayari niyon? Mamatay po ba ako Dok?" Sunod-sunod na tanong ni Harmie. Napaubo naman si Dok Paul at napapikit saka muling pumormal. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Kagaya ng Inay mo iniibig niya ang iyong Itay kaya nabuo ka at nailuwal dito sa mundo." Paliwanag ulit ni Dok Paul. Tumango-tango naman si Harmie. "Ahhh..'yon po bang boyfriend ganoon po?" "Oo, iyon nga! Wala pa ba?" "Marami po akong boyfriend Dok!" Diretsang sabi ni Harmie. Mas lalo tuloy napaubo si Dok Paul at napainom tuloy ito sa kanyang bottled mineral water. "Harmie, hindi iyon ang ibig kong sabihin hay naku!" Napakunot-noo naman si Harmie. "Ang gulo mo naman Dok, hindi kita maintindihan sinagot ko naman lahat ng tanong mo mali pa rin ako." Reklamo nito. Natawa naman si Dok Paul. "Ang ibig ko kasing sabihin Harmonica, iyong lalaking puwede kang pakasalan pero nagmamahalan kayong dalawa. Kagaya ng mga magulang mo nagmamahalan sila kaya nagpakasal at naging anak ka nila." Muling paliwanag ng Doktor. Saglit na inisip mabuti ni Harmie ang sinabi ni Dok Paul. Maya-maya pa'y biglang lumiwanagbang mukha ng dalaga at muling ngumiti. "Alam ko na po Dok ang sinasabi niyo," Nakahinga naman nang maluwag si Dok Paul dahil sa hinaba-haba ng kanyang paliwanag ay naintindihan din sa wakas ni Harmie. "Kaso wala pa po Dok saka ayaw ko pa po ayaw din nina Inay. Ang sabi nila kahit daw hindi na okay lang basta magkakasama po kaming lahat." Sabi pa ni Harmie. "Ganoon ba? Ikaw gusto mo bang maging matandang dalaga niyan?" Muling napaisip si Harmie sa sinabi ni Dok Paul. "Hindi ko pa po alam sa ngayon," kibit balikat na tugon ng dalaga. Tawang-tawa naman si Dok Paul at muli nitong niresatahan ng gamot si Harmie. "Balik ka ulit next month puwede ka ng pumunta sa therapy session mo." Giliw na giliw si Paul kay Harmie. "Marami po salamat Dok aalis na po ako!" Masiglang sagot ni Harmie at tumayo na ito. "Mag- iingat ka huwag kang masyadong magpapaka-pagod bawal sa'yo!" Pahabol namang sabi ni Dok Paul. Tumango lang si Harmie at nag- thumbs up bago ito tuluyang lumabas ng clinic ni Dok Paul. Natatawa at napapailing na lamang ang Doktor na aliw na aliw sa kanyang magandang pasyente aa araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD