NAPAPIKITsi Lily para namnamin ang sariwang hangin na dumadampi sa kanyang pisngi. Iyon ang unang pagkakataon na nakaapak ang kanyang mga sa puti at pinong buhangin. Kulay bughaw rin ang malinaw na dagat. Simula’t-sapul ay squatter are na siya ng Maynila nakatira. Nasanay na siya sa maingay at maraming tao na kapaligiran. Idagdag pa ang mga dikit-dikit na bahay na kahit bulungan sa kabilang dingding ay maririnig pa. Takot nga silang magkasunog sapagkat napakitid ng daanan. Posibleng ma-trap silang mga nasa looban. Ang Maynila bay na ang tinuturing nilang beach at sa buong buhay niya ay iyon lang din ang napuntahan niya. Hindi na nila afford na mag-ina na lumabas pa ng Maynila para makatikim ng dagat na walang basura. Pinangako niya noon sa kanyang sarili na oras na makatikim siya ng ka