HINDI mapakali si Lily habang nakatingin kay Colt na nasa kabilang table lang. Kaumpok nito ang mga pinsan nito pati na ang ibang mga babae. Ito lang ang tahimik at hindi nagsasalita. Napansin niya na tila ginagawa na lang nitong tubig ang wine. Madilim na rin ang anyo nito. Paano ba naman kasi tatlong oras na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin siya nakakahanap ng tamang tyempo para yayain si Conrad na umuwi. Nahihiya kasi siya na istorbohin si Conrad mula sa pakikipag-usap sa mga kumpare nito. Hindi pa nito tinatanggal ang kamay sa beywang niya kaya iyon marahil ang rason ng pandidilim ng mukha ni Colt. Dati-rati naman ay sisiw sa kanya na malusutan ang mga ganoong bagay. Madali lang naman sa kanya ang umarte ngunit bakit ngayon ay hindi niya magawa? “Hi,” nakangiting bati sa kanya n