“GOOD morning!” bati ni Lily nang makita niya lumabas na ng kwarto nito si Colt. Handa na ang table para sa breakfast. Bumabawi siya rito dahil inalagaan siya nito buong araw kahapon. Magdamag niyang inisip kung paano ito haharapin ng hindi nahihiya pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik. Kung hindi lang siguro dumating ang mga pinsan nito ay baka naibigay na niya ang sarili kay Colt. Sa totoo lang, willing siya ibigay ang saril kay Colt. Hindi dahil wala siyang pagpapahalaga sa kanyang pagkabirhen kundi ito lang ang nakikita niya na deserving na pag-alayan niyon. Maaga pa para sabihin na mahal na niya ang binata. Pwedeng atraksyon lang ang nararamdaman niya para rito dahil nga sa hindi matatawaran na kakisigan at kagwapuhan nito. Pero hindi niya mabigyan ng paliwanag ang kakaibang pin