CHAPTER EIGHTEEN

2203 Words

PANGALAWANG gabi na ni Lily sa mansyon na iyon ngunit hindi pa rin siya makatulog. Bukod sa namamahay pa rin siya ay nagagambala ang utak niya sa isipin na sa iisang bahay na sila ngayon nakatira ni Colt. Kanina pa niya pilit tinatanggal sa utak ang binata ngunit kahit anong ritwal na ang ginawa niya tulad ng exercise, pagbabasa ng libro at panonood ng mga video sa laptop ay walang umepekto. Nagsusumiksik pa rin si Colt sa utak niya. Iniisip niya kasi kung ano na ba ang ginagawa nito ngayon o kung hindi rin ito makatulog tulad niya? Sa totoo lang ay nadudurog ang puso niya sa mababang tingin ni Colt sa pagkatao niya. Pero hindi niya ito masisisi dahil kung siya man ang malagay sa kalagayan nito ay tiyak ganoon din ang iisipin niya. Isa pa, totoo naman e. Mababa naman talaga siya. Walang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD