NANDITO na kami sa loob ng conference room, nakaupo ako sa left side ni Gurang habang dini-discuss na ngayon ng PA ni Alden ang movie na gagawin niya ngayon. “Ang movie na ito ay magiging patok sa mga Millennial, GenZ at iba pang mga tao na makaka-relate sa salitang pag-iba, sakripisyo ng mga magulang at kahalagahan ng salitang trust... Kaya paniguradong maraming manonood at makaka-relate rito...” saad ng PA ni Alden sa amin. Binasa ko iyong plot ng movie na ito at masasabi kong maganda, may iyakan factor and iyong mga lines na nakalagay rito ay tagos sa puso. May tanong pa nga sa dulo, “Hanggang saan ang kakayanin mo pagdating sa pag-ibig?” Inisip ko iyong tanong na iyon at nasagot ko sa aking isipan, na kakayanin ko hanggang mahal pa ako ng taong mahal ako. Kasi ang pag-ibig ay m