NAGISING ako sa haplos ni Mama habang tinatawag ang pangalan ko. “Aurelia, nandʼyan na ang ninang Denise and ninong Alejandro mo. Gusto ka nilang makita,” saad ni Mama sa akin. Napatingin ako sa kanya. Tumayo ako sa aking pagkakahiga at napahikab. “Maghilamos ka na muna bago bumaba, okay? Nagluto rin ako ng spaghetti para sa meryenda mo,” saad ni Mama sa akin at tumango ulit ako. “Lalabas na ako,” pagpapatuloy niyang sabi at lumabas na nga siya ng room ko. Ako naman ay tumayo na agad sa pagkakaupo sa kama. Lumakad na ako papunta sa banyo ko para makapaghilamos. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sina ninang Denise and ninong Alejandro. Nagpalit na rin ako ng damit ko at sinuot ko ay ang pajama and shirt, wala naman akong pasa sa katawan ko pero ang marka ng halik ni Desmond ay may