MAAGA akong nagising ngayong araw dahil ngayon ang araw ng birthday ko! “Happy birthday to me!” malakas na sabi ko sa aking sarili at tumayo na agad sa kama. Napatalon-talon ako habang paulit-ulit na sinasabi ang salitang 'birthday ko ngayon'. Ilang beses ko iyon sinabi hanggang magpasya akong tumigil na, need ko pa kasing mag-asikaso ng aking sarili. May pasok pa ako ngayong araw dahil Friday din ngayon! Need ko rin magmadali dahil Friday rush hour! Lalo naʼt nandito ako sa amin. Pumasok na ako sa banyo at naligo na. Nang matapos akong maligo ay lumabas na rin ako para maghanap ng damit na susuotin. Nakita ng mga mata ko ang isang vintage na red dress, may kwelo itong light brown and ang dulo ng manggas niya ay kulay light brown din. Isa rin sana ito sa susuotin ko nuʼng photoshoot ko