"AYAW ko, Papa. Gusto ko pong mag-aral dito sa bansa. Pagalitan mo na lang po ako kaysa ipadala ako sa Spain kay Uncle Aries Dale." Mariing pagtutol ni MT sa pahayag ng ama na ipadala siya sa Espanya. "Anak, para rin sa iyo itong desisyon ko. Ayaw kong maranasan mo ang aking karanasan. Kaya mo iyan---" Ngunit hindi iyon natapos ni Jovanni Kurt dahil ang teenager na anak ay bumaling sa mga magulang. "Lola, Lolo, ayaw ko pong umalis ng bansa. Please po, kumbinsihin mo po sina Mama at Papa na huwag akong ipadala sa Spain. Please..." Umiiyak nitong pagmamakaawa. "Ano ba?! Sinabi ko namang para sa iyo itong desisyon ko, Marc Terrence! Sa pag-aakala mo ba ay madali lang ang malayo sa inyong magkakapatid? Hindi! Dahil kung kaya ko lang din sanang balikatin ang lahat ng hirap ninyo ng mga kapa