"HINDI ako hihingi ng paumanhin, Ate Dalene. Dahil useless din. Ngunit sana sa pamamagitan nito ay makapagpasalamat ako sa lahat ng kabaitan mo sa amin ng yumao naming ina. Oo, Ate. Maaring huli na para sa salitang salamat pero hayaan mo akong tuldukan ang kunsumisyon ninyong mag-asawa sa amin ni Ate Andy." Nahihirapan man dulot nang pagsalo sa balang dapat para sa taong labis-labis nilang pinahirapan, ipinahiya at binalak pang patayin ay nagawa pa rin ni Liza ang nagsalita. "Dadalhin ka namin sa pagamutan, Liza. Saka na natin pag-usapan ang tungkol diyan---" "Huwag na, Ate Dalene. Gusto ko na ring magpahinga. Dahil pagod na ako sa ganitong buhay. Simula pa noong nasa Ilocos Sur tayong lahat. Nang dumating ka mula Saudi Arabia. Sinundan ka pa namin dito sa Baguio at sinabuyan kita ng as