PARA LANG SA KANILA

2290 Words

DULOT ng kuryusidad mula sa narinig kay Marcu ay nagtungo ang kambal na Jovanni Kurt at Jonathan Ross sa tahanan ng kanilang abuelo at pamilya nito. Kaso nasa guard house pa lamang sila ay napatingin na sa batang kasama ng nakatalagang guwardiya. 'Uncle, may tao po. Baka may kailangan sila,' dinig nilang saad ng bata. 'Saglit lang, Hero. Oo, sigurado iyan. Dahil kamag-anak sila ng Lolo MJ n'yo,' tugon ng guwardiya. 'Hmmm... Ako na lang po ang magpapasok sa kanila, Uncle. Dahil sabi mo po ay kamag-anak sila ni Lolo,' muli ay wika ng bata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa atensiyon ng dalawa kundi ang mukha nito. "Hi po. Sino po kailangan n'yo? Hindi po kami nagpapasok ng hindi kamag-anak nina Lolo at Lola," anito habang nakatingala sa kanilang dalawa. Kaso dahil na rin sa pagkabigl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD