"MAKALIPAS ng mahigit sampung taon mong pagkawala rito sa Candon ay may gana ka pang magpakita? Bakit, may magagawa ka na ba ulit para sa amin? Hah! Kung hindi dahil sa pagkamakasarili mo ay wala sana kami sa ganitong sitwasyon!" sigaw ni Andy sa mismong mukha ng kapatid. "Hanggang ngayon ba ay ganyan ang ugali mo---" Kaso ang pananalitang iyon ni Magdalene ay hindi natuloy. Dahil ang isa namang kapatid ang sumulpot. "At ano'ng gusto mong sabihin namin sa iyo, Ate? Welcome home? Huwag kang umasa. Ah, baka hindi mo rin maunawaan dahil hindi ka naman nakaapak sa kolehiyo kagaya namin ni Ate Andy. Habang kaya ko pang kontrolin ang galit ko sa makasariling tulad mo ay umalis ka na ngayon din. Layas! Wala kang kuwentang kapatid!" malakas nitong saad kasabay nang pagtulak. Tuloy! Hindi na n