CHAPTER THREE - MASAKIT NA KATOTOHANAN

1110 Words
"BAKIT nandito ka, Ate? Akala ko ba ay nasa Riyadh ka pa?" salubong na tanong ng nakababata niyang kapatid. Hindi man lang kakikitaan ng pagkasabik sa tulad niyang nawalay ng dalawang taon. "Ha? Iyan ba ang isasalubong mo sa akin, Andy? Wala man lang bang pangungumusta?" "Nandito ka na, Ate, kaya't alam kong maayos ang kalagayan mo. Umuwi ka man lang na hindi nagpasabi. Paano na lamang ang pag-aaral ko nito? Alam mo namang sa lang kami umaasa lalo sa tuition fees ko. Bakit mo nagawang umuwi na hindi man lang inisip ang kahihinatnan ng pamilya mo? Makasarili ka, Ate---" Ngunit hindi na iyon pinatapos ni Magdalene. Hindi niya lubos akalaing ganoon ang isasalubong sa kaniya ng kapatid. "Aba'y ikaw na nga itong biglang umuwi na walang pasabi tapos may gana ka pang manampal! Kung hindi ka makasarili, bakit umuwi ka samantalang nasa second year pa lang ako. Hindi mo ba alam o nagmamaang-maangan ka lang dahil hindi ka nakapag-aral sa college---" Muli ay hindi pinatapos ng dalaga ang pananalitang iyon ng kapatid. Kung nauna niyang nasampal ang kanang pisngi nito ay pinarisan niya ito sa kaliwa. "Huwag na huwag mo akong matawag-tawag na makasarili, Andy! Dahil hindi mo alam kung bakit ako umuwi. Tama! Natapos ko ang isang kontrata sa Riyadh. Pero inalam mo ba ang dahilan bago ka pumutak nang pumutak? Isang Ate pa na walang paggalang at hindi lang sampal ang matitikman mo sa akin, Andy!" malakas na rin niyang sigaw. Maaring nakakuha na sila ng atensiyon sa mga tao lalo na ang kanilang kapamilya dahil na rin sa malakas nilang boses. "Bakit kayo nagsisigawan diyan, Andy?" "Tama nga naman ang kapatid mo, Dalene. Basta ka na lamang sumulpot. Hindi mo man lang nagawang ipinaalam sa amin umuwi ka na pala. Disin sana ay naihanda rin namin amg sariling wala ng maasahang tulong---" Pero si Andy naman naman ang namutol sa pananalita ng kanilang ina. "Ang sabihin mo, Inay, ayaw na niyang tumulong sa ating pamilya niya. Kaya't basta na lamang umuwi upang kaniyang masolo ang naipon habang nasa Saudi siya. Sasabihin lamang niyang umuwi aiya dahil kesyo ganito at ganyan! Makasarili ang tulad niya! Mas inuuna pa ang sarili kaysa ang pamilya! Selfish!" Sigaw nito. Kaya naman ay sasampalin sanang muli ni Magdalene. Ngunit naging mabilisan ang pagtago sa likuran ng kanilang magulang. Kaso! Siya ang sinampal ng ina ng kaliwa't kanan! "TAMA naman ang kapatid mo ah! Siguro ay pinauwi ka ng amo mo dahil inakit mo ang iyong Sir! Kung pinagbutihan mo sana ang trabaho mo roon ay hindi ka umuwi basta-basta baka matulungan mo kami sa gastusin dito sa bahay at pag-aaral ng mga kapatid mo. Kung gusto mong may matirhan ay sumunod ka sa kagustuhan namin. Dahil kahit bali-baliktarin natin ang mundo ay bahay namin ito ng Tatay ninyo. Pero kung ayaw mo ay malaya kang umalis. Tingnan natin kung ano ang naghihintay na buhay sa tulad mong hindi nag-aral!" Sinampal na nga siya ng left and right, lantaran pa siyang pinapalayas. Dahil ba umuwi siya at wala ng maibigay na pera sa mga ito? Saan ba siya nagkulang? Mas mahalaga na ba sa mga ito ang pera? Hindi man lang ba nila aalamin kung bakit umuwi siyang ang ibinigay lang ng huling naging amo niya ang dala-dala at ang ipinahawak mismo sa airport ng King Khalid International Airport ng butihin niyang agent. "Dalene anak, unawain mo na lang muna ang iyong Nanay at kapatid. Nagulat sila dahil sa bigla mong pagdating. Kaya't pumasok ka na muna at nagpahinga. Dahil sigurado namang may paliwanag ka kung bakit umuwi ka ng walang pasabi." Kayo namang mag-ina, imbes na papasukin n'yo ang bagong dating mula sa napakahabang biyahe ay mas inuna n'yo pa ang pagsasalita ng kung ano-ano." Nang sa wakas ay nakakuha ng oras upang sumingit ang padre de-pamilya. "Hindi puwede ang gusto mo, Roman! Siya na nga lang inaasahan nating makatulong sa pag-aaral ng mga kapatid niya ay ipagdamot pa niya. Kung wala rin lang siyang silbi at dagdag palamunin dito ay mas mabuting umalis na lamang siyang muli!" Kaagad ding pumagitna ang Ginang. "Ang sinasabi mo ang hindi maaring mangyari, Goring! Anak mo rin naman si Magdalene ah! Bakit, sina Andy at Liza lang ba ang iyong mga anak? Subukan mong harangan siya at ako mismo ang makakalaban---" Subalit dahil na rin sa hindi siya nasanay sa ganoong senaryo at natauhan din si Magdalene sa sigawan sa kaniyang harapan ay nagwika rin siyang muli. Iyon nga lang ay hindi na pinatapos ang ama-amahan. Oo, anak siya ng ina sa naunang kasintahan ngunit hindi raw siya itinayo. At nang nakilala at nanligaw ang Tatay Roman niya at tinanggap siya bilang tunay na anak ay hindi na rin daw nag-alinlangan na nagpakasal. "HUWAG na po kayong mag-away-away ng dahil sa akin. Kahit magpaliwanag at sabihin ko sa inyo kung bakit umuwi ako ng walang pasabi ay wala na ring silbi. Dahil kapwa tayo nasaktan sa mga binitiwang---" "At mas huwag kang magdrama rito, Ate! Walang pumipigil sa iyo kung gusto mong umalis total wala ka namang silbi! Makasarili kang nilalang! Imbes na tulungan mo kami ni bunso ay hindi." Muli ay pamumutol ni Andy sa kaniya. Ganoon pa man ay hindi na niya ito pinatulan. Bagkus ay lumapit siya sa step-father at yumakap. "Hinding-hindi ko makakalimutan ang iyong kabaitan sa akin, Tatay Roman. May isip na ako noong nagpakasal kayo ni Nanay. Tatanawin ko iyang utang na loob habang-buhay. Ngunit sa ngayon ay kailangan ko ring umalis muli upang mag-ipon para sa sarili ko. At balang-araw ay matulungan po ulit kita sa financial. Hindi naman po siguro lingid sa iyo na buwan-buwan akong nagpapadala noong nasa Saudi ako. Kaya't wala po akong dala-dala sa aking pag-uwi. Kung mayroon man po ay kaunting ibinigay ng huli kong amo at and aking agent. Ngunit gagamitin ko po iyon upang muling lalayo. Sana mas humaba pa po ang buhay mo at maibalik ko ang kabaitan mo sa susunod na araw. At pasensiya ka na po kung aalis na po ako." Mahaba-haba niyang pahayag saka humalik sa noo nito bilang paggalang. Walang dahilan upang bastusin niya ito. Dahil ito ang hindi niya kadugo pero ito pa ang nagparamdam na bahagi siya ng pamilyang Falcon. Kahit Gacusana ito. Hindi na niya binigyan ng pagkakataong makasagot ang kahit sino sa mga ito. 'Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin, AMA,' sambit niya habang papalayo sa kaniyang tahanan sa siyudad ng Candon. Oo, taga-probinsiya siya ng Ilocos Sur mula sa malayong barangay ng Candon City. Nang hapon na iyon, dumating siyang walang pinagsabihan kahit kanino man. Subalit umalis siyang muli ngunit wala ring matinong dereksyon kung saan tutungo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD