"CONGRATULATIONS to both of you, insan and hipag." "Hipag, dahan-dahang mong imulat ang iyong paningin." Masayang pinaglipat-lipat ni Enrico ang paningin sa pinsan at hipag. Dahil makalipas ng ilang oras na pamamalagi ni Magdalene sa operating room ay napagtagumpayan nilang isinagawa ng kaniyang medical staff ang eye transplant at pagsaayos o pagbalik ng dati nitong mukha. Sinunod naman ni Magdalene ang pahayag ng bayaw na General Surgeon. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata upang hindi mabigla. "Here, take the mirror and look at yourself as well, hipag. Kaya't tumagal ng ilang oras kaysa ang naitakda ang iyong operasyon ay inayos at ibinalik ng cosmetic surgery ang original mong mukha. Again, congratulations on the successful operation," aniyang muli kasabay ng pag-abot sa isang