"DON'T feel so sorry, Jovanni and Magdalene. Ang pagdating n'yo rito ay malaking bagay na para sa amin bilang pamilya ninyo. At isa pa ay parang hindi mo kilala ang iyong tiyahin. Walang masaya na mawalan ng mahal sa buhay pero ating sundin ang huli niyang habilin." Naging maagap naman kasi ang biyudong si Ginoong Patrick Niel. Pagdating na pagdating ng pamangkin ng asawa at maybahay nito ay humingi sila ng paumanhin. "Still, hayaan mo po kaming gawin iyan, Papa. Dahil halos hindi namin naabutan ang labi ni Mama samantalang noong sina Mommy at Daddy ang lumisan sa mundong ito ay buong pamilya ninyo ang dumating. At ngayon naman ay kaming mag-asawa lang ang nakarating," pahayag pa ni Jovanni. Dahil dito ay sumabad na rin ang kambal na sina Patrick Cyrus and Terrence Niel. "Pinsan, huwag