"VENICE HERO! Ano'ng nangyari? Bakit---" Kaso hindi na rin natapos ni Magdalene ang pagtanong sana sa anak. Dahil lumapit ang isang guwardiya. "Pasensiya ka na, Magdalene. Wala akong magawa para sa kaniya. Tatawag na nga sana ako sa loob kaso nandito ka na pala," anito. Kaso hindi niya iyon pinansin. Dahil nagmaadali siyang lumapit sa anak na kulang na lamang ay bitbitin ng mga police. Subalit dahil sa pagwawala nito ay halatang nahihirapan ding sawatain ito. "Nanay! Wala po akong kasalanan sa kanila. Help me, Nanay!" sigaw pa nito lalo ng nakita siya. Kaya naman ay mas umigting ang panga niya dahil mukhang may hindi siya nalalaman. "So, atleast, hindi pala nagsisinungaling sa bagay na iyan ang bubwit na ito. Dito pala talaga siya nakatira. Pero hindi iyan ang problema rito kundi ang