PINILIT niyang namuhay ng normal at ibinalik ang dating siya bago nangyari ang madilim na sekreto ng kaniyang buhay. Mas marami ang naging malapit sa kanilang dalawa ng kambal niya lalo at sadya namang mga pala-kaibigan sila. Kapwa sila Business Administration ng kambal ngunit siya ay Financial Management samantalang ito ay Accounting Management. Kung may pagkakahawig man ay mahilig silang dalawa sa nga debates lalong-lalo na sa laws and most of all, nanatiling lihim ang pagiging martial arts member niya. SUBALIT! Ang going smoothly niyang buhay sa kolehiyo ay muling nagulo noong nasa second semester sila ng second year. "Am I seeing things, twin brother?" tanong niya sa kakambal na nasa tabi. Kaso ang isa niyang malapit na kaibigan ang sumagot. Si Marcu Ruiz na isang taga-San Vicente