KASABAY nang pagpahayag ni Jovanni Kurt sa matagal niyang sinolong bigat ng damdamin ay dumating ang ninuno sa ina. Ang mag-asawang Shane at Marga. "Alam kong nasabi na ng mga magulang mo ang lahat, apo ko. Kaya't wala na kaming maidagdag pa kundi ang magpagaling ka. Hindi masama ang magtiwala ngunit kailangan mo ring mag-ingat. Get well soon, apo ko," saad ng una bagay na sinang-ayunan ng asawa. "Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ang sinabi ng Uncle Lewis ninyo noong namatay si Mama. Hindi raw tinatanggap sa langit ang nagpapakamatay. Kaya't kahit gaano man kabigat ang problemang iyong kinakaharap ay huwag mong solohin. Buwis buhay ang iyong ginawa," anito. Seryoso at tagos sa puso ang mga pahayag ng mga ninuno. Ngunit ang tungkol sa tiyuhin nilang kaedaran ang tumatak sa kaniyang i