"BOSS, maari bang makisama naman po kayo? Here, take my car if you want. Later, I will come voluntarily to the police station." Magalang niyang hinarap ang mga police na talaga namang hinabol siya dahil sa kasong over speeding. "Since na matino kang kausap, kakausapin ka muna namin bago ka bigyan ng konsiderasyon. Una, ano'ng dahilan at pinalipad mo ang iyong sasakyan? Pangalawa, hindi ko kailangan ang buo mong sasakyan. Dahil ticket ang ibibigay ko. Ngayon ay magpaliwanag ka ng maayos." Inis na inis man siya ngunit sumunod na lamang siya sa tinuran ng unipormadong police. Ngunit kung kailan naman niya ibubuka ang labi upang nagpaliwanag ay eksakto namang dumating ang tiyuhing halos kaedaran at sa tabi pang pinagparkingan niya ito tumigil. "Boss, ikaw pala. Ano'ng kasalanan ng pamangkin