"LOLO, puwede ko po ba kayong makausap ni Lola?" Tanong ni Venice Hero sa mga amo nilang mag-ina noong kapiling pa ito. Yes, he is six years old of age. But his mother nurtured him on his early age. Kaya't nauunawaan na niya ang nangyayari. Maaring hindi pa maarok ang lahat subalit kakayanin niya. "Sure, Venice apo ko. Pero bakit ka nakatago riyan sa pinto?" maagap na saad ng Ginoo o si Grandpa MJ. "Sorry po, Lolo. Pero mayroon po kasi kayong bisita ni Lola kaya't nagtanong po ako kung puwede akong makisingit," sagot nito pero nanatiling nakatago sa pintuan. Kaya naman! "Who is that child, bayaw? Bakit mukhang ngayon ko lang napansin dito sa inyo?" tanong tuloy ni Grandpa Terrence. Kaso imbes na sagutin ito ni Grandpa MJ ay ang bata ang hinarap. "Halika rito kay Lolo. Hindi naman si