KINABUKASAN . . . Maaga akong nagising dahil ayaw ni Papá nahuhuli sa mga meetings niya. Nag-ayos na ako at bumababa na sa komedor. Papá was there with my three older siblings, Jenny, Justin and Jasper with Mamá. “Hija, ba’t ganyan ang ayos mo?” tanong ni Mamá. “May mali po ba sa suot ko?” “Ryze, formal meeting ang pupuntahan n’yo. Hindi kaaya-aya tingnan na ragged jeans and tees ang suot mo.” “Ma, I don’t have formal clothes,” lumapit ako sa kaniya at nag-beso. Tulog na siya nang makarating kami sa hacienda kaninang madaling araw. I continued talking habang tinungo ang silyang nakalaan para sa akin. “Kinaladkad ako pauwi rito ni Papá kaya kahit cellphone ko naiwan ko. Besides, hindi ko na kailangan mag-ayos pa. Mabuti nga ‘yon hindi ako magustuhan kung sino man ‘yang lalaking pinag