Chapter 54 LAHAT kami’y napasulyap sa asul na kahon, nawala ang liwanag niya, parang rubrics na gumalaw ang pedestal na andoon sa ilalim niya at ang gintong mga nakahugit sa buong silid ay nagliliwanag. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nu’n pero makikita ang ngisi at tuwa sa mukha ng mga umem lalo na kay Albumem Stewart. “Sa wakas, maipapakita na ang propesiya!” Sigaw niya na para bang nagbubunyi. ‘Propesiya?’ Hindi lang ‘yon ang unang beses kong narinig ang salitang ‘yan. Isang malakas na liwanag ang nagpasabog ang asul na kahon at malakas na hangin na siyang nagpahiwa-hiwalay sa amin. Dahil hindi ko nabalanse ang katawan ko, nakatali rin bigla na lang ako natumba at ilang pulgada rin ang inatras ko sa pagkakagulong. “Sinong hangal ang nanggambala sa ‘king pahinga?” Isang pam