Chapter 47 PAGKATAPOS ng pag-uusap kasama si Milan agad din kaming umalis at nagpaalam sa kanya. May nabuong plano at kasama ako ro’n. Hindi pa nga ako sumasang-ayon ngunit wala na akong magagawa dahil kasapi ako sa grupo. Malaking bagay ang kailangan kong gampanan sa plano na ginawa nila at hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ‘yon. “Ano ng gagawin natin?” Tanong ko sa kanila habang nakasunod uli ako sa kanila. “Kailangan na nating bumalik sa Linux bago pa man maubos ang oras na ginawa ni Hamish at para rin hindi nila tayong mahuli,” sagot ni Allisya. Hinawakan ko ang kamay niya na siyang nagpahinto sa kanya at sa mga kasama niya. Napapagitnaan kami ng mga tao ro’n na abala sa araw na ‘yon. Tinitigan niya ako ng seryoso sa mukha. Sabi nila kanina na kailangan naming magmadali at unah