Chapter 4

1171 Words
Chapter 4 Ibinaba niya ang hawak niyang espada at do’n ko tuluyang nasilayan ang mukha niya. Alam kong nagkakagulo sa paligid ko ngunit hindi ko maiwasan mamangha. Nakasuot lang siya ng pang karaniwang kasuotan, maong pants at ¾ shirt na kulay blue sa may manggas nito, ngunit napapatungan ng kulay pilak na balote. Maayos na nakasuklay ang kulay blonde niyang buhok, na bumabagay sa maputi niyang kutis, matangos ang ilong, itim na pares ng mga mata na nakatitig sa ‘kin at bahagyang nakabuka ang mga labi niya. Nagulat na lang ako at bumalik sa realidad nong bigla niya akong hilahin. Napunta ako sa likod niya at para bang piniprotektahan niya ako sa kalaban. Nakita ko na lang na muling bumabalik sa dati ang kakaibang halimaw. “Huwag kang aalis dyan!” Sigaw nong lalaki, hindi ko alam kong ako ba ‘yong sinasabihan niya o ‘yong halimaw. Sumugod siya ro’n at agad na hiniwa ang katawan nito. Nagkaroon ng guhit sa katawan ng halimaw at muli na naman itong nalulusaw na para bang nagkaroon ng sugat. Patuloy lang sya sa kanyang ginagawa ngunit biglang sinakal siya nito. Nagulat siya sa nangyari at kahit din naman ako. Nabitawan niya ang espada niya sa paanan niya. Unti-unti na siyang umaangat. “Mas marami, mas maganda at mabubusog ako,” tuwang-tuwang wika ng halimaw. Kahit na nahihirapan ang estrangherong lalaki, pinipilit niyang lumaban at sumisipa sa eri kahit na wala naman siyang magagawa. May kailangan akong gawin para iligtas siya. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at napasulyap ako sa espada niyang nasa sahig. Hindi ko pa naranasan humahawak ng espada o nagagamit man lang bilang sandata. Nagpadulas ako para makarating do’n sa espada at agad itong kinuha. Mukha siyang mabigat dahil mahaba at makapal nitong patulis na bakal. Ngunit laking gulat ko na para lang akong humahawak ng lapis, ganu’n siya kagaan. Gamit ang dalawa kong mga kamay, hinasiwas ko ito sa kalaban para mabitawan niya ‘yong lalaki, aksidente kong nahiwa ang braso nito at kamuntik ng matamaan ang binata kaya napasigaw ito. Bumagsak ang piraso ng braso nito kasabay ang binata sa sahig. Nanggagalaiti sa galit ang halimaw at maririnig ang ingay sa buong gusali. “Akin na ‘yan!” Inagaw nong binata ang espada niya sa ‘kin. Agad siyang hiniwa pa ang katawan nito at patakbo siyang umakyat sa katawan nito. Nong makatungtong siya sa balikat ng halimaw agad niyang sinaksak sa mismong bibig ang kalaban. Napatakip ako sa bibig nong makarinig ako ng nakakabinging sigaw mula sa halimaw. Bigla na lang nagliwanag ang bibig nito at sa isang iglap isang mahinag pagsabog nang aming naranasan. Dahil sa malakas na hangin tumalipon ako sa sulok at siya naman sa paanan ko. Sa lakas ng pwersa, nagtalsikan ang lupang katawan ng halimaw kahit saang sulok ng gusali at ang iba’y sa amin tumama. Ubong-ubo ako dahil sa pagsabog dahil biglang nagkalat ang alikabok sa paligid at lalo na’t lalo akong naging marumi sa lupang tumalsik sa amin. Tumayo yong binata at bahagyang lumayo sa ‘kin. Pinagpagan niya ang damit at pinunasan ang mukha niya na may talsik na lupa gamit ang isang kamay. Tumayo na rin ako nanatiling pinapanood siya. Namangha na naman ako nong bigla lang niyang sinilid sa kanang bulsa ng pantalon niya ang espadang hawak niya. Laking pagtataka ko na kong paano nagkasya ‘yon do’n? “Halika na,” pagyaya niya sa ‘kin. Muli akong napasulyap sa kanya, “saan tayo pupunta? At sino ka?” Litong-lito pa rin ako sa mga nangyayari, para bang hindi matanggap ng utak ko ang sunod-sunod na pangyayaring ito at para bang hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. “Kailangan na nating umalis bago pa man tayo mahabol at makita ng ibang mga halimaw na kumukuha at kumakain ng mga Avalonian,” seryoso niyang wika. Napakunot-noo ako na sinusundan siya palabas ng gusali at agad akong sumunod. “Hi-hindi ko maintindihan.” Muli siyang humarap sa ‘kin at hinubad ang balote niya. Nagulat ako na isang bakal ay kaya niyang maitupi at ilagay din sa kanyang bulsa ng ganu’n kadali. “Ah oo nga pala, isa ka sa mga batang sanggol na napadpad dito pagkatapos ng digmaan at mukhang wala kanga lam sa nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin?” “Merong mga bagay hindi nakikita ng normal na tao o mga normal na mga mata. Pero ang mundong ito’y may itinatagong pintuan patungo sa lugar kong saan ka nababagay. Mukhang hindi siya totoo pero nabubuhay sila. ‘Yong halimaw mo na nakita kanina na kamuntik ka ng kainin kong hindi ako dumating baka kinain ka na niya. Ang mga tulad niya ay nagkalat sa mundong ito para hulihin, kainin ang mga tulad natin na naliligaw ng landas at walang alam sa totoo nating mundo.” Huminga siya ng malalim bagong muling magpatuloy. “Mukhang malakas ka at nakaya mong maka-survive sa mundo ng mga tao sa haba ng panahon. Minsan kasi bata pa lang o kaya sanggol nawawala na sila at hindi nakakabalik sa Avalon.” “Anong Avalon? Pangalan ba ‘yon ng isda?” Puno ng pagtataka ang tanong ko ngunit mukhang hindi siya natutuwa. Hindi siya nagsalita ngunit may kinuha siya sa kanyang bulsa. Isang bilog o snowball kasi may maliliit do’n na bahay habang may umuulan na nyebe. Dahan-dahan itong lumaki sa tamang laki nito. Ibinato niya sa may paanan ko na siyang kinagulat ko. Napasigaw ako sa takot nong makita kong isa-isa nagbabagsakan ang lupa, hindi ko alam kong saan ako aapak, hanggang sa biglang napalitan ng madamong lugar ang eskineta, nawala ang mga lumang gusali at napalitan ito ng mga nagtatayuang mataaas na puno. Puno ng mga iba’t ibang bulaklak ang lugar. Nong tumingala ako sa kalangitan laking gulat ko na lang nong makita kong may lumilipad na dragon. “Totoo ba ‘yon?” Ngunit hindi siya umimik. Dahan-dahan siyang naglakad sa tabi ko hanggang sa di kalayuan matatanaw ang burol kong saan nakatayo ang tatlong kastilyo na madalas mo lang makikita sa mga palabas o telebisyon. Kakaiba ang buong lugar, malayo ito sa lugar kong na saan kami kanina at para bang napakaaliwalas kahit na mukhang nanaginip lang ako. Nagulat na lang ako at napaatras nong makita kong may naglalakad na mga dewende sa paanan namin ngunit nilagpasan lang kami. Naglakad pa siya kaya sumunod ako at baka kong ano pang mangyari sa ‘kin. “Na saan tayo?” Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya patuloy lang kami sa paglalakad haggang sa makalabas kami sa kakahuyan. Bumungad sa amin ang kakaibang mundong ito. Nagliliparan ang mga kagamitan sa eri na para bang may sariling buhay. May kakaibang kasuotan ang mga kababaihan at kalalakihan dahil sa makakapal nitong tela lalo na sa mga babae na ang hahaba ng mga palda nila na abot hanggang sahig. Napakakulay at mukha silang masaya kahit may kakaiba ang mundo nila. Humarap ang binata sa ‘kin, “ito ang Avalon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD