Chapter 43 NAKATITIG pa rin ako sa mga mukha nila habang magkakaharap pa rin, hindi ko na maramdaman ang higpit ng lupid na nakatali sa pulso at sa mga paa ko. May mga upuan sila sa harapan ko at nakaupo ro’n habang pinalilibutan nila ako. Lalong nadagdagan ang gulo sa isip ko at mga katanungan. “Hindi ka namin papakawalan hangga’t hindi ka kumakalma,” seryosong wika ni Allisya, ibang-iba ang Allisya ang kaharap ko kesa nong nakaharap ko nitong nakaraang araw. Wala na ‘yong maamo niyang mukha at palangiti niyang labi. “Kalmado naman siya,” wika ni Fiona. “Hindi pa,” sabi uli ni Allisya. “Tama siya, mukhang nagulat siya sa kanyang nalaman,” sabi ni Hamish. Muling napasulyap ang tatlo sa ‘kin, “pwede ka naman magtanong sa amin, kasapi ka ng grupo namin.” “Hindi pa naman ganu’n kadal