Chapter 45 WALA akong nagawa kahit na nagpupumiglas ako. Dinala nila ako sa kagubatan sa likod ng Linux, mas kakaiba ang isang ‘to, walang masyadong makikitang pwedeng dumaan, animoy tagong kakahuyan sa buong Linux, nagtataasan at makakapal ang dahong nagtatakip para hindi makita ang madilim na kalangitan. Mahamog na halos hindi ko na makita ang daraanan ko. Nagtataasan ang mga damo na halos abot na hanggang tuhod. “Bitiwan ninyo ako!” Paulit-ulit kong sigaw sa kanila ngunit wala silang naririnig. “Simple lang, Avery,” narinig kong wika ni Stewart mula sa likuran namin. Marahas nila akong dinikit sa makapal na katawan ng puno at nilabas nila ang lubid nila. Agad nila akong tinali sa katawan ng punong ‘yon kahit pilit pa rin akong kumakawala. Hindi ko alam kung ano ang sasapitin ko rit