Kabanata 9 Teddy Bear Kinabukasn ay naabutan ko sila Manang Gloria sa may hardin kausap si Issay. "Kayo nalang ang pumunta ni Allan, kung gusto n'yo ay isama n'yo si Venice iyon ay kung papayagan ni Ellwood. "Umalis na ho ba si kuya?" "Hindi pa natutulog pa yata." sagot ni Manang Gloria. "Good morning po.." Tahimik akong naupo sa high chair at ngumiti sa mga ito. "Gusto mo bang sumama sa perya mamaya? Ipagpapaalam ka namin kay Kuya Ellwood," ani Issay sa'kin. Bigla kong naisip si Dolfo, baka nakarating na sa kanya ang impormasyon na nadito ako kaya sunod-sunod akong umiling. "Hindi ho ako makakasama. Dito nalang po muna ako." sagot ko. Kumunot ang noo sa 'kin ni Issay kaya umayos ako ng upo. "May tinataguan kaba? May mga naghahanap ba saiyo?" tanong nito. Umakyat ang nerbyos