Kabanata 24 School Maaga pa lang ay nag handa ako para pumasok sa eskwela. Ngayon ang unang araw ng klase. Talagang pinaghandaan ko ang araw na ito dahil sa wakas ay maipagpapatuloy ko pa rin ang pag-aaral kahit na alam kong nasa peligro pa rin ang buhay ko kina Auntie Celeste. Itong business management ang kurso na gusto ni daddy na taposin ko at malapit ko nang makamit ang pangarap niya para sa'kin. Gusto kong ipakita sa kaniya na nagtagumpay ako at gagawin ang lahat para mabigyan sila ng katarungan. Maaga talaga akong gumising para hindi ko makasabay sa almusal ang mag-anak nina Auntie Celeste. Maaga din kasi ang pasok ni Iverson kaya umiwas akong maksabay siya lalo na sa pagpasok. Dahil hindi pa ako gano'n kabihasang mag-drive kaya si Mang Teban ang inatasan kong mag-drive para s