Chapter 25

2310 Words

Chapter 25… "TAHAAN NA naandito na tayo." wika niya sa dalagang patuloy sa paghikbi. Natitiyak niyang nadinig nito pero walang sagot siyang narinig mula dito. "Gusto ko ng umuwe. Inaantok na 'ko Lee." malayong sagot nito. Humugot siya ng malalim na paghinga bago sumagot sa isinagot nito sa kaniya, "Please Nadine huwag mong iparamdam sa 'kin 'to." "Napagod ako maghapon. Tumulong akong maglaba kay Lilia. Kaya gusto ko ng magpahinga." Kumirot ang kabilang dibdib niya sa tinuran nito. Ayaw niya ang ganoong usapan na tila ba umiiwas sa kaniya ang dalaga. Kaya imbes na sagutin niya ito, malakas na hinila niya ito sa baraso at saka mahigpit na ikinulong sa dalawang baraso niya. "Anong problema Nadine? Ayoko ng ganito. Please sabihin mo." nahihirapan wika niya habang yakap parin ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD