Chapter 36.. "BAKZ please busy ako.." naiiritang sagot niya sa tawag nito. Matapos napahilot noo siya. "Kagabi pa kita tinatawagan Jacob!" sa boses nito may pagka asar. "Bakit iba na naman ba ang number mo? Puwede ba , mag stay ka lang sa isa?! Pinapaalala ko sa'yo mag photo shoot ka ngayun kaya bumangon kana.." Hindi naman niya nakalimutan ang pinaalala nito. Sadyang tamad lang siyang bumangon, nanakit kase ang ulo niya. "Wala ka talagang balak ipaalam sa 'kin ang numero,"Sabay palatak nito sa kabilang linya. Ginawa lang niya iyon para iwasan ang ex niyang si Andrea. Simula kase ng umuwe siya galing Amerika walang oras at text ang ginagawa nito sa kaniya. At nalaman din niyang ito ang may kasalanan sa pag alis ni Nadine sa bahay niya.. Hindi man niya ito sinita, iiwasan na lamang