Chapter 33.. "KANINA ka pa ba?" Naka tayo habang nakatukod ang kaniyang dalawang kamay niya sa may bintana. At ang paningin ay nakatutok sa labas. Mas makakabuting doon siya dumeretsyo sa hide out galing party kung saan hinayaan ang sariling masaktan, masaksihan kung gaano kalambing sa isa't isa. Si Nadine at ang kaibigan niyang si Lorenz. Kung hindi niya gagawin magtungo doon, tiyak hindi niya mapipigilan ang sariling kalmahin. Baka kung ano lang ang magawa at makita niya ay kaniyang sirain.. Bumuntong hininga siya bago lingunin ang boses na nagtanong. "Kararating lang.." mabigat na sagot niya kay Von. Nadinig niyang humakbang ito ngunit hindi papalapit sa kinaroroonan niya. Alam niyang kundi sa wine, kahit hindi niya ito nilingon tiyak nagsasalin ito sa empty glass. Hindi nga siya