Chapter 28.. WALANG tutol at paulit ulit nilang nilasap ang kaligayahan. Matapos nilang magsiping sa sofa, hindi rin nila pinalagpas ang loob ng kusina. Dahil pagkatapos niyang magluto ng almusal nila, mas inuna nitong almusalin siya bago ang inihapag niya. Tila ba sinusulit nito ang isang araw matapos ang kasal nila. Kahit ba huli na ang pulot gata, sulit na sulit naman sa araw na pinagsasaluhan nila. Kaya ng matapos silang mag almusal, nag paalam siyang magpapahinga. Habang ito'y may kausap sa sariling telepono nito ng iwan niya. Namalayan na lamang niya ng magising ay dapit hapon na. Palubog na ang araw. Hindi maikakailang napagod siya ng husto. At hindi rin niya natitiyak kung may susunod pa bago sila matulog ng binata. Dahilan bago sila nag hiwalay nito kanina, humihirit pa ito